Thursday, May 9, 2024

Mga ATM machines ng BPI nagkaaberya

- Advertisement -

Nagkaaberya ang isang serbisyo ng automated teller machines (ATM) ng Bank of the Philippine Islands (BPI) simula kahapon.

Ayon sa mga naapektuhang customer, bagama’t online ang mga ATM ay hindi sila makapagwithdraw dahil sa naabot na umano nila ang withdrawal limit kahit pa unang beses pa lamang nila itong mag withdraw.

May iba namang hindi makapag-wire transfer o makapagpadala ng pera sa ibang account at hindi magamit ang kanilang debit cards.

May mga naitala ring kaso na umabot sa milyong piso ang laman ng kanilang account balance bagama’t hindi naman ito nawi-withdraw.

Wala pa namang inilalabas na pahayag ang BPI kaugnay ng naturang aberya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img