33.2 C
Manila
Monday, April 15, 2024

Miss Universe PH franchise nakatakdang umano i-takeover ng LCS Group of Companies

- Advertisement -

Nakatakda na umanong ilipat sa LCS Group of Companies ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson ang prangkisa ng Miss Universe Philippines na hawak ng Binibining Pilipinas Charities Incorporated.

Ito’y sa gitna ng tanong ng publiko kung bakit kasama si singson ng 2018 Miss Universe Winner Catriona Gray nang magbalik-bansa lulan ng private jet ng dating gobernador, kahapon.

Magugunitang inisponsaran ng LCS ang Miss Universe pageant na ginanap sa Pilipinas noong 2017.

Ayon kay Singson, simula nang maging isa sa mga sponsor ang LCS ay taun-taon na siyang tumutulong sa Miss Universe Organization.

Pina-plantsa na aniya nila ang 2019 Miss Universe Pageant na planong ganapin sa South Korea at inaasahang lalahok din ang North Korea.

Samantala, nakatakdang umalis din agad ngayong araw si Catriona patungong New York kung saan naka-base ang headquarters ng Miss Universe Organization bago bumalik ng Pilipinas sa Enero o Pebrero para sa formal welcome.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -