Janet Lim Napoles maaring nang ilipat sa Correctional Institution for Women

0
48

Maaring nang ilipat sa Correctional Institution for Women ang tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.

Ito ay matapos mabigo ng kaniyang kampo na patunayan ang isyu ng banta sa seguridad ng convicted plunderer.

Matatandaang, una nang pinalutang ng kampo ni Napoles ang isyu ng security threat, kaya’t hiniling nito na manatili sa Camp Baagong Diwa sa Taguig City.

Si Napoles ang itinuturong mastermind sa pork barrel scam kung saan hinatulan siyang ‘guilty’ ng Sandiganbayan para sa kasong plunder.