Mislatel, tiyak na bilang 3rd telco player ng Pilipinas

0
59

Siniguro ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang magiging hadlang sa pagpasok ng Mislatel Consortium sa Pilipinas bilang ikatlong telco player.

Ayon kay  DICT Acting Sec. Eliseo Rio, nagdesisyon na ang National Telecommunication Commission (NTC) en banc na ipagkaloob na sa Mislatel ang confirmation order matapos itong mabigyan ng provisional authority bilang napiling bagong telco player.

Upang makasiguro, sinabi ni Rio na kapag nabigo ang Mislatel na ibigay sa napagkasunduang time duration ang maayos na telecommunication service ay mawawala sa kanila ang P24 billion bond.

Matatandaang ipinangako ng Mislatel na ibibigay nila ng mabilis at malakas na internet connection sa Pilipinas, tulad sa bansang Singapore.

Ilan sa mga inilatag na kategorya ng DICT sa bagong telco player ay ang murang call and text at internet service, mabilis na internet connection at malinaw na nationwide coverage.