Saturday, May 4, 2024

Minimum wage earners sa Metro Manila at Calabarzon walang aasahang dagdag-sahod

- Advertisement -

Walang aasahang dagdag-sahod ang mga minimum wage earner sa Metro Manila at Calabarzon ngayong taon.

Ito ay matapos na ibasura ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa dalawang nabanggit na rehiyon ang petition for wages adjustment na inihain ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP).

Wala anila silang nakitang supervening event o mabigat na dahilan tulad ng biglaang pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, para itaas ang sahod ng mga manggagawa.

Binigyang diin pa ng Regional Tripartite Board na ang naging petisyon ay inihain sa mismong taon na huling nagpalabas ng wage order para sa mga minimum wage earner.

Dismayado naman dito si TUCP President Raymond Mendoza.

Aniya, nakakalungkot na ibinasura ito dahil lamang sa technical na usapin at hindi man lamang tinignan ang merit ng kanilang petisyon.

Una nang ikinatwiran ng grupo na hindi na kayang makabili ng masustansiyang pagkain ng mga manggagawa dahil sa liit ng kanilang sweldo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img