Bikoy wala na sa kustodiya ng PNP CIDG – PNP

0
54

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala na sa custody ng PNP CIDG si Peter Advincula alyas ‘Bikoy’.

Ayon kay Police Col. Bernard Banac, spokesman ng PNP, wala namang hadlang para makaalis si Advincula dahil nakapagpiyansa naman ito sa kinakaharap nyang kaso ng estafa.

Nakapagsumite na rin anya ng sinumpaang salaysay si Advincula na ginawa kaharap ang kanyang abogado at nai-turn over na sa PNP ang iba pang ebidensya tulad ng kanyang computer at cellphone.

“So, an gating ginagawa ngayon ay ‘ynug forensic examination ng kanyang mga ebidensyang isinumite katulad ng kanyang mobile phone, ‘yung mga conversations doon, at ‘yung mga nilalaman nung kanyang computer, so do’n na tayo nakafocus ngayon para lalong maging matibay an gating mga ebidensya kung saka-sakali man na tayo ay magsasampa ng reklamo. Kaya si Mr. Advincula ay hindi pa rin off the hook at maaari pa rin itong maituturing na suspek o maaari ding witness,” ani Banac.

Ratsada Balita Interview