Tuesday, May 7, 2024

Mini loop routes sinimulan na ng DOTr

- Advertisement -

Lumarga na rin simula ngayong araw na ito ang mini loop routes ng city buses para makatulong sa pag biyahe ng mga commuter.

Kabilang sa mini loop routes ayon sa DOTr na operational na ang Monumento patungong MRT Quezon Avenue Station at PITX patungong Ayala.

Ang rutang timog-santolan naman ay magsisimula sa Miyerkues, July 1.

Ayon sa DOTr araw-araw ang assessment na ginagawa nila para mabatid ang pangangailangan ng mga commuter.

Batay sa direktiba ng IATF at DOTr unti unting ibabalik ang operasyon ng pampublikong transportasyon at kasabay nang pagsisimula ng general community quarantine ay nagsimula na rin ang operasyon ng point to point buses, taxis, transport network vehicle services at public utility buses na mayroong itinakdang ruta.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img