Milyong milyong halaga ng mga pinaghihinalang misdeclared na mamahaling sasakyan, second hand na mga damit, sapatos at iba pang gamit nakuha sa Makar Wharf, General Santos City noong nakaraang araw. Nasamsam ang mga nasabing produkto ng bumisita si Custom Commissioner Isidro Lapeña sa pier matapos pinabuksan ang mahigit sampung container vans na mahigit 3 o 5 taon ng nakatengga doon.
Napag-alaman din na mayroon pang mga saku-sakong asukal at mga auto parts ng mga mamahaling sasakyan na nasa loob ng container van, hindi rin umano tugma ang nilalaman ng mga container van sa dokumento, ito ang inihayag ni officer in charge collector na si Angelito Agulto.
Samantala , nakuha rin sa loob ng ilang container van ang bulto-bultong mga kahon ng sigarilyo na pinaniniwalaang nanggaling pa sa Indonesia, dagdag pa sisirain rin ng awtoridad ang mga nakuhang produkto sa loob ng mga container van habang aabot naman sa 24 ang nakatakdang bubuksan ngayon taon na mga container van na matagal ng nakatengga sa nasabing pier.
Ayon pa bilyong-bilyon ang nawawala sa gobyerno kada tao dahil sa smuggling at tatargetin rin ng BOC ang mga broker at consignee ng mga pinaniniwalaang smuggling products.