Ikinakasang case build-up vs. sinibak na 60 BOC employees puspusan na – Panelo

0
50

Puspusan ngayon ang ikinakasang case build-up ng pamahalaan laban sa higit 60 empleyado ng Bureau of Customs (BOC) na sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa korapsyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nangangalap na ng karagdagang ebidensiya upang maging selyado na ang mga isasampang kaso laban sa mga ito.

Una rito, sinabi ng pangulo na nasa halos 100 empleyado ng Customs ang kaniyang sisibakin sa puwesto dahil sa isyu ng katiwalian.

Kaugnay nito, ibinabala rin ni Pangulong Duterte na kung hindi magkukusang mag-bitiw sa puwesto ang mga naturang tiwaling opisyal ay titiyakin niya na mawawala ang lahat sa mga ito.

Sa ngayon, sinabi naman ni Panelo na inilagay muna sa “floating status” ang 64 na opisyal hanggat nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pamahalaan laban sa mga ito.