35.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Militar kumbinsido na ISIS-inspired ang naganap na pagsabog sa Cotabato

- Advertisement -

Kumbinsido ang militar na mga grupong may kaugnayan sa Islamic State o daesh ang nasa likod ng pambobomba sa labas ng isang mall sa Cotabato City na ikinasawi ng dalawa katao, noong bisperas ng bagong taon.

Ito, ayon kay 6th infantry division commander, Maj. Gen. Cirilito Sobejana, ay batay sa post-blast investigation  ng  explosive and ordnance division ng Philippine Army.

Ang Daulah Islamiyah aniya na binubuo ng mga grupong Maute, Abu Sayyaf at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa pangunguna ni Commander Abu Toraife ang nagsagawa ng pag-atake.

Ayon sa imbestigasyon, ‘yung bomba na sumabog na sumabog may signature ng na gawa ng Daulah Islamiyah, daesh-inspired group. Pahayag ni Sobejana

Aminado naman si Sobejana na bagaman may umiiral na martial law sa Mindanao, sadyang  hindi mapipigilan ang dagsa ng tao dahil holiday season na sinamantala naman ng mga terorista.

Mas maraming na-intercept, talagang nalusutan lang tayo this time, napakarami kasing tao, talagang hindi mo mababantayan ang bawat sulok ng ating area of responsibility. Paliwanag ni Sobejana

(Balitang Todong Lakas Interview)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -