Militanteng grupo nagpaulan ng tank rockets sa Israel

0
45

Nagpaulan ng tank rockets ang militanteng grupo mula Lebanon na Hezbollah sa hilagang bahagi ng bansang Israel.

Ito ay bilang pagganti raw sa ginawang drone attack ng Israel sa Beirut noong nakaraang linggo.

Kinumpirma ng pwersang militar ng Israel ang ginawang pagpapaulan ng tank rockets at sinabing target nito ang mga base militar at sasakyang pang militar ng bansa.

Sa inilabas na pahayag ng Hezbollah, namatay ang mga lulan ng mga sasakyan na tinamaan ng kanilang tank rockets.

Ngunit mariing itinanggi naman ito ng Israel at sinabing wala silang napaulat na namatay.

Sa kasalukuyan ay binabantayan na ng maigi ng mga otoridad ng Israel ang kanilang border upang maagang mapigilan ang mga pinaplano pang pag atake sa kanila ng militanteng grupo.