2 sikat na 90’s boy band bibisita sa bansa

0
85

Bibisita sa bansa ang dalawang sikat na 90’s boy band para magperform sa isang music festival ngayong taon.

Magsasama ang boy group na A-1 at O-town para pakiligin ang kanilang mga fans sa bansa na matagal silang hinintay.

Ginawa ang anunsyo sa facebook page ng music festival na tatawaging “playback music festival: the greatest hits” na magaganap sa ika-siyam ng Nobyembre ngayong taon sa Mall of Asia Arena.

Kasama ng dalawang grupo sa ilan pang mga lokal na banda na magtatanghal sa naturang music festival.

Magsisimula ang pagbebenta ng ticket sa linggo, ika-walo ng Setyembre na nagkakahalaga ng mula isang libong piso hanggang anim na libong piso.

Matatandaang pinasikat ng A-1 ang mga kantang “one last song”, “heaven by your side” at “like a rose”.

Samantalang “liquid dreams” at “all or nothing” ang ilan lamang sa mga pinasikat na kanta ng boy group na O-town.