Saturday, May 18, 2024

MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar pumanaw na sa edad na 75

- Advertisement -

Pumanaw na si Bangsamoro Transition Commission Chairman at Moro Islamic Liberation Front (MILF) Vice Chairman Ghazali Jaafar dakong ala-1:00 kaninang madaling araw, sa edad na 75.

Ito ang kinumpirma ni MILF Chief Al Haj Murad Ebrahim.

Batay sa mga ulat, matagal na umanong may iniindang sakit si Jaafar kung saan naisugod pa ito sa Davao Doctors Hospital bago ito binawian ng buhay dahil sa isang cardiovascular disease.

Si Jaafar ay ang nagsilbing pinaka-unang vice chairman ng MILF, kung saan mahigit 50 taon rin itong nakibaka para sa mga karapatan ng Bangsamoro people.

Nakatakda namang ilibing si Jaafar sa Barangay Pigkelegen sa Sultan Kudarat.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -