29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Comelec handa na sa voter registration verification system pilot testing

- Advertisement -

Handa na ang Commission on Elections o Comelec sa pilot testing ng Voter Registration Verification System (VRVS) para sa May 13 midterm elections.

Tiwala ang Comelec na maganda ang resulta ng nasabing pilot testing dahil sa naging maayos na performance ng mga VRVS sa mga nakalipas na field tests.

Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, gagamitin sa eleksyon ang tatlumpu’t limang libong (35,000) unit ng VRVS machines na dinisenyo para tukuyin kung nakarehistro sa isang partikular na lugar ang isang botante sa pamamagitan ng live scanning ng fingerprints ng mga botante.

Sinabi ni Jimenez na makakaboto pa rin ang mga registered voters na hindi lumabas ang pangalan sa VRVS dahil maaari namang tingnan ang pangalan ng mga ito sa computerized voters list sa mismong araw ng eleksyon.

Bukod sa VRVS machines, handa na ring isalang sa pilot testing ng Comelec ang mga gagamiting vote counting machine (VCM).

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -