Thursday, May 2, 2024

Michael V. nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang actor-comedian na si Micahel V. o kilala rin bilang si Bitoy.

Inanunsyo ito mismo ni Bitoy sa ipinalabas niyang vlog ngayong araw.

Ayon kay Bitoy, nakararanas siya ng mga flu like symptoms dahilan kaya agad siyang nag-isolate o nag-self quarantine at nagpa-check up sa doktor sa pamamagitan ng online.

Kuwento pa ng komedyante, nawalan din siya ng pang-amoy sa mga unang araw nang makaranas siya ng sintomas ng COVID-19.

Ipinagtataka naman ni Bitoy kung paano at saan niya nakuha ang virus gayung hindi naman aniya sila gaanong lumalabas ng bahay ng kanyang pamilya.

Sakali naman aniyang kailangang lumabas, mahigpit nilang sinusunod ang mga health protocols tulad social distancing, pagsusuot ng face masks at iba pang PPE.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ring nagpapagaling si Bitoy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img