Mga vloggers na lalapit sa Bulkang Taal binalaan ng PHIVOLCS

Mga vloggers na lalapit sa Bulkang Taal binalaan ng PHIVOLCS

by Powered by DWIZ
28 views

Binalaan ng PHIVOLCS ang mga vloggers na mangangahas na lumapit sa mismong bunganga ng nag-aalburotong Bulkang Taal.

Ito’y matapos mag-viral kamakailan ang video ng isang lalaking nakatsinelas na naglalakad sa volcano island.

Ayon kay PHIVOLCS Dir. Renato Solidum, mapanganib na magtungo sa danger zone lalo na at nananatili pa rin ang banta ng mapaminsalang pagsabog ng bulkan.

Ani Solidum hindi dapat balewalain kung steam generated explosion lang ang aktibidad ngayon ng bulkan dahil delikado pa rin dito ang buhay ng sinoman.

Kahapon ay muling nagbuga ng mas malakas na puting usok na may kaunting abo ang bulkan na katunayan umanong may aktibidad pa rin sa ilalim nito.

0 comment

Related Posts