Isang Chinese clinic ipinasara matapos walang maipakitang permit sa Makati City

Isang Chinese clinic ipinasara matapos walang maipakitang permit sa Makati City

by Powered by DWIZ
28 views

Ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Makati ang isang Chinese clinic matapos mapagalamang illegal itong nag-ooperate.

Ayon sa business permit and licensing office, nilabag ng naturang klinika ang city ordinance no. 2004-A-025.

Wala umanong naiprisintang business permit o mayor’s permit ang klinika.

Kasabay nito, hinimok ng Makati City LGU ang mga residente ng lungsod na i-report agad kung may alam silang establisyemento sa kanilang lugar na illegal na nag-ooperate.

0 comment

Related Posts