Saturday, May 18, 2024

Mga umano’y recruiter ng NFSW na may kaugnayan sa pagpatay sa Sagay 9 nahaharap sa kasong multiple murder

- Advertisement -

Nahaharap sa kasong multiple murder ang mga umano’y recruiter ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) na may kaugnayan sa brutal na pagpatay sa siyam na magsasaka noong nakaraang linggo sa Sagay City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga suspek na sina Rene Manlangit at Rogelio Arquillo kung saan maging ang pitong iba pang kasamahan nila na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ay kasama rin sa mga kinasuhan.

Ayon kay Police Chief Supt. John Bulalacao, Regional Director ng Police Regional Office 6 (pro-6), posibleng may kinalaman ang mga recruiter sa pagpatay sa mga inosenteng biktima.

Ginawa lamang umanong sacrificial lamb nina Manlangit at Arquillo ang mga biktima para gumawa ng ingay at magalit ang mga tao sa gobyerno.

Giit ni Bulalacao, lumitaw sa imbestigasyon na halos sa likod ang tama ng mga namatay at wala ring senyales na nanlaban ang mga ito habang kaduda-duda rin na wala sina Manlangit at Arquillo nang mangyari ang insidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -