Isa sa labing-anim na bagong tren ng MRT bumiyahe na

0
47

Tumakbo na ang isa sa labing-anim na mga bagong tren o katumbas ng 48 mga bagon ng MRT o Metro Rail Transit Line 3.

Mismong sina Transportation Secretary Arthur Tugade, mga opisyal ng DOTr, MRT 3 at PNR ang nagpasinaya sa paglarga ng naturang tren na bahagi ng binili ng pamahalaan sa kumpaniyang Dahlian Locomotive Industries noong 2013.

Sa ipinatawag na presscon ni DOTr Usec. Tj Batan, tumagal ng humigit-kumulang tatlong buwan ang proseso ng mga pagsusuri mula sa maintenance provider nitong Sumitomo gayundin ng Mitsubishi Heavy Industries bago ito tuluyang payagan na makatakbo.

Gayunman, sinabi ni Usec. Batan na gradual o dahan-dahan ang pagde-deploy ng mga bagong train sets dahil kailangan nitong matiyak ang compatibility at functional test sa mga riles ng MRT.

Target ng DOTr na mapasakyan muna ang bagong train set tuwing weekend at off peak hours naman kapag weekdays.

(with report from Jaymark Dagala)