Mga turista sa Boracay hinikayat na maging responsible

0
43

Maging responsible.

Ito ang panawagan ng Department of Tourism (DOT) sa publiko kaugnay ng pagbubukas muli ng isla ng Boracay sa mga turista.

Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang pagiging responsible ang susi para mapangalagaan ang isla na anim ring isinara para sa rehabilitasyon.

Binigyang diin ni Puyat na marami siyang natutunan sa anim na buwang rehabilitasyon ng isla lalo na sa aspeto ng pagbabalanse ng kalikasan at pag-unlad.

Samantala, nagpasalamat naman si Puyat sa mga stakeholders at gobyerno sa mga hakbang pata sa pagbabago.