Mga taong naninigarilyo mas mataas ang tiyansang mahawa sa COVID-19 —WHO

0
21

Ibinabala ng World Health Organization (WHO) na mas mataas ang tiyansa na mahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga chain-smokers o ‘yung mga taong naninigarilyo.

Ayon sa WHO, mataas kasi ang posibilidad ng transmission ng virus dahil mas madalas na mahawakan ng mga naninigarilyo ang kanilang bibig o ‘yung tinatawag na ‘hand-to-mouth’ act.

Dagdag pa ng WHO, malaki rin kasi ang posibilidad na mayroon nang existing na lung diseases ang mga taong naninigarilyo.

Dahil dito, mahigpit na pinaalalahanan ng WHO ang publiko na tiyaking malinis at malusog ang kanilang pangangatawan upang mabawasan ang posibilidad na mahawa sila sa COVID-19.