28.3 C
Manila
Monday, April 15, 2024

1 sa 4 Pinoy nakararanas ng matinding stress sa araw-araw —SWS

- Advertisement -

Isa sa bawat apat na mga Pilipino ang nakararanas ng matinding stress sa pang-araw-araw nilang buhay.

Batay ito sa pinakahuling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumalabas na 27% ng mga Pilipino ay ‘frequently stress’.

Lumabas din naman na 37% ang paminsan-minsang nakararanas ng stress, habang nasa 34% naman rarely stress, at 2% naman ang hindi talaga nakararamdam ng anumang stress.

Nakasaad din sa naturang survey na mas malaking porsyento ng mga kababaihan ang nakararanas ng stress kung saan sumampa ito sa 33% —kumpara sa mga kalalakihan na nasa 20% lamang.

Batay naman sa estado ng pamumuhay, mas malaki ang porsyento ng nakararanas ng stress mula sa Class E na nasa 30%, 26% mula sa Class D, habang 22% naman ang mula sa Classes A, B at C.

Isinagawa ang naturang survey sa 1,200 na mga Pilipino mula Luzon, Visayas at Mindanao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -