Friday, May 17, 2024

Mga sundalo na tinamaan ng COVID-19 201 na —AFP

- Advertisement -

Patuloy ring nadaragdagan ang bilang ng mga sundalo na nagpopositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Major Gen. Edgard Arevalo, umabot na sa 201 ang bilang ng mga sundalo na tinamaan ng sakit simula noong ika-24 ng Marso hanggang nitong ika-5 ng Hulyo.

Mula sa kabuuang bilang, 110 ang aktibong kaso at kasalukuyang ginagamot sa mga ospital ng militar sa bansa.

Samantala, 11 sundalo naman ang nakarekober sa sakit habang 78 ang nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -