Mga sanggol na positibo sa COVID-19 umaabot na sa 25

0
10

Umaabot na sa 25 ang mga sanggol na positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pinakabata rito ang sanggol sa Cebu na syam na araw pa lamang pagkapanganak nang magpositibo sa COVID-19.

Samantala, nasa anim na sanggol na ang pumanaw dahil sa COVID-19.

Sa ngayon, sinabi ng Department of Health (DOH) na wala pang malinaw na basehan kung ang impeksyon ay naipasa ng ina sa sanggol nuong ipinagbubuntis ito.

Posible rin anila na nakuha ng sanggol ang virus pagkapanganak nito.