38 patay sa sunog sa Incheon, SoKor

0
22

Tatlumpu’t walo (38) katao ang nasawi nang masunog ang ginagawang gusali sa Incheon, South Korea.

Napag-alamang karamihan sa mga nasawi ay mga construction workers na gumagawa sa apat na palapag na gusali.

Maliban sa mga nasawi, may 10 pang sugatan at walo di umano sa mga ito ang kritikal ang kundisyon.

Patuloy ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.