Pinalikas na ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang mga residenteng nakatira sa tabi ng Marikina River.
Ito ay matapos umabot sa 16 na metro ang antas ng tubig sa ilog dakong 2:00 ng hapon.
Dahil dito, itinaas sa ikalawang alarma ang sitwasyon sa lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, oras na umabot sa 3rd alarm o 18 metro ang taas ng tubig sa ilog ay otomatikong ipatutupad ang forced evacuation sa mga mabababang lugar sa paligid ng Marikina River.
Kabilang sa mga nakapaligid na barangay sa Marikina River ay ang Tumana, Malanday at Nangka.