Maute Bomb Expert Patay sa Joint Operation sa GENSAN

0
102

Lungsod ng Heneral Santos – patay ang isang miyembro ng Maute ISIS inspired group sa inilunsad na operation ng Police Regional Office 12 at Join Task Force Gensan (JTF), Philippine Army madaling araw noong Hulyo 16 nitong taon.

Sa pangunguna ni Col. Adonnis Bajao, Commanding Officer ng Joint Task Gensan at General Santos City Police Office sa pamamagitan ni PSSUPT Raul Supiter bitbit ang National Defense arrest order, sinugod ang isang pamamahay sa Purok Zone 3, Barangay Fatima, nitong lungsod kung saan bandang alas dos ng madaling araw noong Hulyo 16, 2018 at naabotan ang target na sinasabing bomb expert ng Maute terror group na si Najib Calimba Pundog alayas Najib Hussein.

Lumaban umano sa mga otoridad si Hussein kung saan sugatan ang isang miyembro ng Police Regional Mobile Force Batallion na si PO3 Jerry Feo at napilitan na nag-retaliate ang mga otoridad na naging sanhi sa agarang pagkamatay sa aarestuhing terorista.

Nakuha sa lugar ng pinangyarihan ang sinasabing ISIS Flag, mga kagamitan sa pagawa ng bomba gaya ng blasting caps at batereya.

Sa inilunsad na follow-up operation ng mga otoridad, natonton ang sinasabing safe house na pinagtataguan sa kapatid sa napatay na si Hussien sa Barangay Apopong, Lungsod ng Heneral Santos bandang alas siyete ng umaga Hulyo 16 nitong taon na kinikilala na isang Nafisah Pundogsa bisa ng arrest order number 1, mula sa Department of National Defense sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

Sinasabing asawa ng isang Owaida Benito Marohumsar alyas Abdulmajib at alyas Abu Dar na tumatayong bagong ‘emir’ o lider ng Maute ISIS Group.

Sa ngayon hawak na ng General Santos City si Nafisah kung saan kasamang nasa kustudiya ang kanyang ina at kapatid sa kaso na obstruction of justice.

Leave a Reply