Thursday, May 2, 2024

Mga residente ng Parola Compound umapela sa Manila City LGU

- Advertisement -

Umapela sa lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang ilang mga residente ng barangay 20 o Parola Compound sa Tondo, Manila.

Kasunod ito ng kautusan ni Manila City Mayor Isko Moreno na isailalim sa total lockdown ang nabanggit na barangay dahil sa matinding paglabag sa umiiral na enhanced community quarantine.

Apela ng ilang mga residente kay Moreno ay kung maaaring ipagpaliban muna nito ang pagpapatupad ng total lockdown dahil marami sa kanila ang walang sapat na pera para ipambili ng imbak na pagkain.

Kanila rin anilang ikinagulat ang nabanggit na anunsyo ng alkalde.

Isinailalim ni Moreno sa total lockdown ang Parola Compound matapos matuklasang ang pagpapatuloy ng ilang mga aktibidad doon tulad ng pa-boksing at bingo sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img