Mga pulis na may kinakaharap na kaso hindi pa pwedeng makuha ang year end bonus

Mga pulis na may kinakaharap na kaso hindi pa pwedeng makuha ang year end bonus

by Powered by DWIZ
18 views

Hindi pa makukuha ng mga pulis na may kinahaharap na kaso ang kanilang bonus.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police Spokesperson Police Brig. General Bernard Banac kasabay ng anunsiyong naipalabas na ang kanilang year end bonus na katumbas ng isang buwang sahod at 5,000 pisong cash gift.

Ayon kay Banac, nakahold ang bonus at cash gift ng mga pulis na may kaso bilang bahagi ng ipinataw na disciplinary action sa kanila.

Kahapon, inaprubahan ni PNP Chief Officer in Charge Police Lt. General Archie Gamboa ang pagpapalabas ng yearend bonus ng mga uniformed at non uniformed personnel na nagkakahalaga ng mahigit pitong bilyong piso.

0 comment

Related Posts