Ex-Isabela Governor Padaca ikinagulat ang desisyon ng Sandiganbayan

Ex-Isabela Governor Padaca ikinagulat ang desisyon ng Sandiganbayan

by Powered by DWIZ
21 views

Ikinagulat ni dating Isabela Governor Grace Padaca ang desisyon ng Sandiganbayan sa kasong katiwalian at malversation of public funds na inihain laban sa kanya.

Ayon kay Padaca, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon at mararamdaman sa hatol ng Sandiganbayan gayong nailatag na nila lahat ng ebidensiya.

Muling iginiit ni Padaca na hindi napunta sa kanya ang P5M agricultural funds.

Aniya, may naibigay siyang mga resibo at ibang dokumento na magpapatunay na ni-loan o inutang ang nabanggit na pondo ng mga magsasaka.

Nilinaw pa ni Padaca, nakakuha siya ng authority mula sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela para makapasok sa isang memorandum agreement sa isang NGO na siyang nangasiwa sa loan program ng mga magsasaka.

 

0 comment

Related Posts