Mga plaka ng bagong rehistrong sasakyan sinimulan nang ipamahagi ng LTO

0
29

Kumpleto na at ipinamamahagi na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga plaka ng mga bagong rehistrong sasakyan.

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, may mga plaka na ang mga pinarehistrong sasakyan mula July 2016 hanggang ngayong taon.

Sa ngayon aniya ay tinatapos na lang nila ang mga plakang wala pang radio-frequency identification (RFID) at ipinarehistro bago ang Hunyo 30, 2016.