33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Listahan ng mga high-value target sa war on drugs handang ibigay ng PDEA kay Robredo

- Advertisement -

Nakahanda ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ibigay kay Vice President Leni Robredo ang listahan ng mga high-value target sa kampanya kontra iligal na droga.

Gayunman, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na kanila lamang gagawin ito sa pamamagitan ng closed door meeting kasama ang Inter-Agency Committee on Anti- Illegal Drugs (ICAD).

Binigyang diin pa ni Aquino na kinakailangang mga tauhan ng ICAD lamang na mayroong security clearance ang maaaring sumama sa pulong dahil itinuturing na classified documents ang hinihinging listahan ng pangalawang pangulo.

Aniya, maging siya ay walang hawak kopya ng nabanggit na listahan dahil piling tao lamang ang binibigyan nito.

Kaugnay nito, nangangamba naman si Aquino na mawawalan sila ng kontrol sa kung sino ang maaaring magkaroon ng access sa listahan ng high value target at magresulta sa pagkasunog ng mga operasyon oras na maibigay ito kay Robredo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -