33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Mga Pinoy sa Moscow pinag-iingat kasunod ng serye ng bomb threat

- Advertisement -

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Russia ang mga Pilipinong nasa Moscow dahil sa serye ng bomb threat.

Nakasaad sa abiso na dapat sumunod ang lahat ng mga Pilipino sa mga babala mula sa Russian Federation.

Nabatid na sunud-sunod na bomb threats ang natanggap ng buong Moscow partikular sa Metro area, mga paaralan, shopping malls, mga korte at iba pang pampublikong paaralan.

Sinabi ng embahada na bagamat peke ang mga bomb threat, dapat pa ring matiyak ang kaligtasan ng bawat Pilipinong nasa Moscow at kung mayroong utos na paglikas –kaagad itong dapat sundin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -