Lalaki sa Washington, USA nagpositibo sa bagong strain ng Coronavirus

Lalaki sa Washington, USA nagpositibo sa bagong strain ng Coronavirus

by Powered by DWIZ
42 views

Nagpositibo sa bagong strain ng Coronavirus na galing sa Wuhan City sa china ang isang lalaki sa Washington, USA.

Ipinabatid ng state health officials sa Washington na stable na ang kondisyon ng 30-anyos na lalaki, bagamat nakaconfine pa sa Providence Regional Medical Center sa Everett, Washington.

Sinabi ng health officials na noong nakalipas na linggo lamang bumalik ng Amerika ang lalaki mula sa Wuhan City at nagsimulang sumama ang pakiramdam nito nang dumating sa Seattle.

Agad namang kinunan ng sample ang lalaki at ipinadala sa Center for Diseases Control and Prevention at nakumpirmang positibo ito sa coronavirus na tumama sa halos 300 tao sa China at iba pang bansa sa Asya.

Dahil ditto, tiniyak ng Center for Diseases Control and Prevention na higit pang palalawigin ang mahigpit na screening sa mga paliparan sa Amerika.

0 comment

Related Posts