Mga Pinoy sa ibang bansa na positibo sa COVID-19 patuloy na nadadagdagan

0
17

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong apektado ng COVID-19 sa ibang bansa.

Ayon sa DFA nasa 169 na ang mga Overseas Filipinos ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 25 bansa at rehiyon hanggang kahapon, March 24.

Sa nasabing bilang 77 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t-ibang ospital samantalang 90 na ang nakaka-recover kaya’t na discharge na sa mga ospital habang dalawa naman ang nasawi.

Naitala sa bahagi ng Asia Pacific Region ang pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na Overseas Filipinos kung saan 111 ang kaso.

Sumunod dito ang Europe at America na may tig 20 kaso habang 18 kaso naman ang Middle East.