Lugi ng NBA lumaki dahil sa suspendidong mga laro

Lugi ng NBA lumaki dahil sa suspendidong mga laro

by Powered by DWIZ
31 views

Tumitindi pa umano ang lugi ng National Basketball Association (NBA) habang suspendido pa rin ang mga laro dahil sa banta ng COVID-19.

Ito ayon kay NBA Commissioner Adam Silver ay bagamat hindi pa nila makuwenta kung gaano kalaki ang kanilang lugi bagamat araw-araw silang nagpupulong para tutukan ang pagbawi sa kanilang financial loss.

Pumapalo na aniya sa mahigit 100 laro ang nasuspindi simula nang ipatupad ang shutdown ng NBA games na ang regular season ay matatapos na sana sa April 15.

Hindi pa rin tiyak kung masusuwelduhan ang lahat ng players sa April 15 subalit sa April 1 ay maibibigay pa ang suweldo ng mga ito.

Kasabay nito ipinabatid ni Silver na inaasahan nilang tataas pa ang bilang ng mga players na positibo sa COVID-19 lalo pat dumadami pa rin ang kaso nito sa buong Amerika na ngayong nasa mahigit 40,000 na.

0 comment

Related Posts