Saturday, May 4, 2024

Mga Pinoy overseas na nagpositibo sa COVID-19 pumalo na sa 2,355 —DFA

- Advertisement -

Nadagdagan pa ng 24 ang bilang ng mga Pilipinong nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) habang nasa ibang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hanggang sa ngayong araw, Mayo 20, pumapalo na sa 2,355 ang kumpirmadong COVID-19 positive na Pilipino sa 46 na bansa at rehiyon.

Sa naturang bilang, nasa 1,313 ang patuloy na nagpapagamot sa ibat-ibang ospital.

9 naman ang mga panibagong gumaling kaya’t nasa mahigit 800 na Pinoy abroad ang naka recover na mula sa COVID-19.

Samantala, 284 ang death toll matapos madagdagan ng 4 na mga nasawing Pinoy dahil sa nasabing virus.

Pinakamaraming naitalang confirmed COVID-19 positive na overseas Pinoy sa Europa na nasa 748, Middle East/Africa – 712, Americas – 544, at Asia Pacific region – 451.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img