32.9 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Mga Pinoy na mawawalan ng trabaho dadami pa dahil sa COVID-19

- Advertisement -

Pinangangambahang lalo pang lumobo ang bilang ng mga Pilipinong nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll batay sa kanilang datos, nasa 2.5-M Pilipino na ang nawalan ng trabaho.

Ilan dito anya ay pansamantala, subalit marami ang permanente nang walang trabaho lalo na sa sektor ng mga restaurants, manufacturing at transportasyon.

Humigit kumulang na rin anya sa 300,000 ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi na makapagtrabaho sa kasalukuyan.

Maaari rin anyang magbawas ng araw ng trabaho at i-rotate na lamang ang mga empleyado.

Aminado si Bello na kung sya lamang ang masusunod mas nais nyang buksan na ang ekonomiya dahil naniniwala sya na pangangalagaan naman ng mga empleyado ang kanilang kaligtasan laban sa COVID-19 sakaling payagan na silang makapasok.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -