Thursday, May 2, 2024

Mga Pinoy na inilikas mula China nasa New Clark City na

- Advertisement -

Nasa Athlete’s Village New Clark City na ang 30 mga Pilipino na sinundo ng Department of Foreign Affairs-Department of Health (DFA-DOH) repatriation team mula Wuhan City sa China.

Pasado alas-8:20 kaninang umaga nang dumating sila sa Athlete’s Village matapos lumapag ang kanilang sinakyang eroplano sa Clark Air Base kanina namang mag-a-alas-7 ng umaga.

Bago bumaba ng eroplano, muling isinailalim sa thermal scanning ang balik-bansang mga Pilipino.

Kasamang sasailalim sa 14-day mandatory quarantine ng mga nabanggit na Pinoy sa Athlete’s Village ang repatriation team ng Pilipinas na binubuo ng Brave 5 ng DOH, Courages 3 ng DFA at maging ang anim na flight crew ng royal air.

Ayon kay Health Undersecretary Gerardo Bayugo, bibigyan ng tig-iisang kuwarto ang bawat naka-quarantine na Pilipino, maliban sa mga pamilya.

24-oras aniyang babantayan ng limang heath personnel ng DOH ang mga inilikas na mga Pilipino.

Dagdag ni Bayugo, sasagutin din ng DOH ang gastusin ng mga ito kabilang na ang mga pagkain, hygiene kits at iba pang pangangailangan sa loob ng 14 araw na quarantine period.

Habang bibigyan din sila ng access sa telepono at internet para matawagan ang kani-kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img