Mga pilipinong muslim ipinagdiwang ang ikalawang araw ng Eid’l Adha

0
64

Ipinagdiwang ng mga kapatid na pilipinong muslim ang ikalawang araw ng Eid’l Adha o feast of the sacrifice sa pamamagitan ng pagtungo sa Mosque para magdasal.

Maagang nagtungo ang ilan sa Golden Mosque sa Quiapo kung saan ginaganap ang sabay-sabay na panalangin na susundan naman ng sama-samang pagdiriwang ngayong tanghali.

Nagsimula kahapon, Agosto 11 ang paggunita ng Eid’l Adha at tatagal hanggang Miyerkules.

Ginugunita ang Eid’l Adha bilang pag-alala sa pagsasakripisyo ng propetang si Abraham para kay Allah.