Sunday, April 28, 2024

Lebel ng tubig sa Angat Dam patuloy na tumataas

- Advertisement -

Patuloy na tumataas ang lebel ng tubig sa mga pangunahing dam sa Luzon partikular na sa Angat Dam.

Batay sa pinaka huling tala ng PAGASA Hydrology Division, nadagdagan ng halos isang metro ang water level sa Angat kung saan pumalo na ito sa 175.10 meters kaninang alas 6:00 ng umaga.

Kasabay nito nadagdagan din naman ang water level sa La Mesa Dam kung saan pumalo na ito sa 76.62 meters habang gayundin naman ang Ipo Dam na nasa 100.97 meters na ang antas.

Samantala, bahagya namang nabawasan ang antas ng tubig sa Ambuklao Dam.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -