Mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa ‘Rosita’ umabot na sa 2,000 — PCG

0
51

Nasa 2,000 pasahero na sa iba’t-ibang pantalan ang stranded dahil sa bagyong Rosita.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), pinaka-malaking bilang o tinatayang 1,500 ang apektado sa Verde Island sa Batangas.

Halos 300 pasahero naman ang apektado sa Port of Lucena sa Quezon, Pasacao Port, Polillo Port sa Quezon at Calapan Port, Oriental Mindoro.

Samantala, sa ibang pantalan na hindi apektado ng bagyo ay patuloy ang dagsa ng mga pasaherong uuwi para sa Undas.