12-M katao posibleng maapektuhan ng bagyong Rosita

0
53

Inaasahang maaapektuhan ng bagyong Rosita ang 12 milyong katao o mahigit dalawang milyong pamilya.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Director of Operation Edgar Posadas, tinataya aniyang nasa 290 na bayan at lungsod ang posibleng salantain ng bagyong Rosita.

Dahil dito, nagpatupad na sila ng forced evacuation sa ilang lugar dahil sa posibleng pagbaha, landslide at storm surge na dulot ng naturang bagyo.

Sinabi ni Posadas na kanilang tinutukan partikular ang Itogon, Benguet na posibleng magkaroon ng panibagong landslide sa lugar.

Gayundin umano ang Cordillera Administrative Region (CAR) kung saan hindi rin malayong magkaroon ng pagguho ng lupa.