Radio Philippines Network
National News

Mga pasahero ng PAL hinikayat na maagang dumating

Hinihikayat ng Philippine Airlines (PAL) ang mga pasahero na pupunta sa ibang bansa na dumating sa paliparan apat na oras bago ang kanilang flights.

Inaabisuhan rin ang mga pasaherong lilipad sa domestic flights na maglaan naman ng tatlong oras.

Paliwanag ng PAL, mayroon kasing karagdagang screening measures bilang preventive measures sa kumakalat na coronavirus disease (COVID-19).

Dagdag pa dito, pansamantala ring nakasara ang immigration e-gates sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinapayuhan rin ang mga pasahero na darating sa Maynila na ayusin na nila agad ang kanilang mga arrival cards bago sumailalim sa screening at magpunta ng immigration counter.

Related posts

Legalidad ng ilang probisyon ng Social Security Act of 2018 kinuwestiyon

Powered by DWIZ

Malakanyang tiwalang mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ng SAF 44

Powered by DWIZ

Election hotspots sa buong bansa tinukoy

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More