Mga opisyal ng PhilHealth kasalukuyan nang iniimbestigahan dahil sa umano’y korapsyon —Malacañang

0
9

Kinumpirma mismo ng Malacañang na kasalukuyan nang iniimbestigahan ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa umano’y korapsyon.

It mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque kaugnay ng panibago na namang kontrobersiyang kinahaharap ng PhilHealt matapos na magbitiw ang tatlo nitong mga opisyal dahil sa korapsiyon.

Ayon kay Roque, uma apela siya ngayon kay Thorsson Montes Keith, ang anti fraud officer ng Philhealth na nag bitiw sa pwesto na makipag tulungan sa ikinasang imbestigasyon.

Sinabi ni Roque, kasado na ang pagsisiyasat sa umano’y overpriced na P2-billion na it system ng PhilHealth.
Gayunman, nanindigan naman si PhilHealth President Ricardo Morales na walang nagaganap na malawakang korapsyon sa hanay ng Philhealth.