Tuesday, May 7, 2024

Mga opisyal ng gobyerno na nasa mataas na posisyon walang privacy — Sotto

- Advertisement -

Walang privacy ang mga opisyal ng gobyerno na nasa matataas na posisyon.

Ito ang tugon ni Senate President Vicente Sotto III matapos na igiit ni PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na hindi iginalang ang kanyang privacy makaraang lumabas sa publiko ang kanyang medical certificate na nagsasabing mayroong siyang cancer at sumasailalim sa chemotheraphy.

Giit ni Sotto, ang isang opisyal ng gobyerno na humahawak ng mataas na posisyon sa pamahalaan tulad ni Morales ay servant o tagapaglingkod ng taong bayan at may pananagutan sa publiko

Kaya’t hindi anya uubra ang iginigiit ni Morales na privacy. Kung dahil kung hindi aniya kaya ni Morales ang isyung kinakaharap sa PhilHealth ay makabubuti na umalis na lamang ito sa pwesto.

Gayunman, sinabi ni Sotto na ikinakatuwa niya ang pagpayag ni Morales na dumalo pa rin sa pagdinig ng senado hinggil kahit na ‘virtual’ lamang ang kaniyang magiging partisipasyon.

Samantala, dagdag pa ni Sotto na uusad pa rin ang imbestigasyon ng senado kahit pa mag-medical leave si morales dahil hindi naman nito mapipigil ang ibang testigo na lumitaw at tumestigo sa kanilang isinasagawang imbestigasyon. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img