Mga OFWs na nag-apply sa financial assistance ng DOLE umaabot na sa 250,000 —Bello

0
11

Umaabot na sa 250,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nag-apply para sa financial assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello lll na hindi nila inaasahan ang ganito karaming aplikasyon.

Batay anya sa kanilang pagtaya, nasa 150,000 OFWs lamang ang kailangang bigyan ng financial assistance kaya’t P1.5-bilyon lamang ang hiningi nilang pondo.

Sa ngayon anya ay 30,000 na ang nabigyan nila ang tig-P10,000 cash aid, samantalang tig-$200 naman para sa mga naroon pa sa ibayong dagat, subalit hindi makapatrabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Pwede silang mag-negosyo, o mabigyan sila ng livelihood assistance… maaaring makahanap ng bagong employment, o meron ding tinatawag na scholarship certificate sa mga anak nila ay mabigyan ng free education ng OWWA,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas