33.7 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga OFW na nais umuwi sa kani-kanilang lugar hindi dapat harangin ng LGUs —Duterte

- Advertisement -

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na opisyal na itigil ang pagharang sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nais umuwi sa kani-kanilang mga bayan dahil sa takot na mahawaan ng COVID-19.

Sa naging talumpati ng pangulo kagabi, iginiit nito na ang mga OFWs ay may karapatang umuwi ng Pilipinas.

Ipinaalala rin ng pangulo sa mga lokal na opisyal na responsibilidad ng mga ito ang pagbibigay ng proteksyon sa kanilang mga nasasakupan.

Samantala, sinabi pa ng pangulo na sa halip na pagbawalan ang mga Pilipino na nasa ibang bansa na umuwi ay dapat na magbigay ang mga lokal na pamahalaan ng pasilidad para sa mga OFWs sa pagkumpleto ng mga ito ng 14-days mandatory quarantine bago pauwiin sa kani-kanilang mga tahanan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -