Legalidad sa pagpigil sa mga Pinoy health workers na mangibang bansa pina-aaral ni Duterte sa DOJ

0
41

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-aralan ng Department of Justice (DOJ) ng legalidad ng pagpigil sa mga health workers na mag migrate sa ibang bansa sa kasagsagan ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Bagamat naiintindihan aniya ng pangulo ang pangangailangan ng ibang bansa ng mga doktor at nurse dahil sa krisis pangkalusugan ay hindi naman niya hahayaan na ma-expose nalamang ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na mahawaan ng nakamamatay na virus.

Hinihimok naman ng pangulo ang mga health workers sa bansa na maintindihan siyang ayaw na niya na makipagsapalaran ang mga ito sa ibang bansa at umuwing nasa kabaong.

Ito lamang aniya ang kanyang argumento dahil mahal niya ang bawat buhay ng kababayang Pilipino.