Mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Italy, pumalo na sa 6,077

0
21

Pumalo na sa 6,077 ang bilang ng mga nasawi sa Italy dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay matapos na maitala ang  601 panibagong kaso ng pagkamatay sa loob lamang ng 24 oras.

Sa ngayon, nasa 63,927 ang kabuuang kaso ng COVID-19, habang mahigit 7,000 naman ang nakarekober na.

Una rito, matatandaang tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang Europa bilang sentro ng pandemyang COVID-19.